Latest News

MIAA General Manager Eric Jose Ines.

MIAA MEDICAL TEAM, NAG-REVIVE NG BABAENG SENIOR CITIZEN SA NAIA 3, UMANI NG PAPURI

By: Jerry S. Tan

Umani ng papuri ang MIAA Medical Team sa NAIA 3 dahil sa mabilis na pagresponde at pag-revive sa isang ‘unresponsive’ na babaeng pasaherong senior citizen na nawalan na ng tibok ng puso.

Patungo sana ng Cebu ang pasahero via Cebu Pacific flight 5J585 kaninang umaga 8:30 a.m. nang mawalan ito ng pulso habang nasa pre-departure area. Mabilis naman na nakapagresponde ang MIAA Medical Team at na-revive ang pasahero.

Mismong ang ambulansya rin ng MIAA Medical Team ang ginamit sa pagsugod sa pasahero sa Makati Medical Center.


Sa ngayon ay nasa ligtas nang kalagayan ang pasyente habang patuloy na nagpapagaling sa nasabing ospital.

Ayon kay Dr. Blesylda Tatad Busto, head ng MIAA Medical Team sa NAIA 3, nakakataba ng puso ang inani nilang papuri bagamat sanay aniya sila magbigay ng emergency medical assistance sa mga nangangailangan na pasahero.

Maging si Manila International Airport Authority General Manager Eric Jose Ines ay nalugod din dahil na-appreciate aniya ng RMN Networks at ng Pamilya Canoy ang ginawang pagresponde ng MIAA Medical Team sa pasahero.

Pinuri rin ni GM Ines ang grupo ni Dra. Busto sa mabilis na pagresponde nito kung saan naisalba ang buhay ng isang senior citizen na pasahero.


“Great work for our Medical Response Teams. That was a good response by our Duty T3 Medical Team. Also, an outstanding way of appreciation by RMN owner Eric Canoy,” ani Ines.

Kaugnay nito, ipinag- utos na ni GM Ines sa MIAA Praise Committee na bigyan ng recognition/commendation sa June flagraising ceremony ang MIAA Medical Team ng NAIA 3.

Tags:

You May Also Like

Most Read