Si Manila City Councilor and Liga ng mga Barangay President Lei Lacuna (ikalawa mula kanan) sa kanyang pagdalo sa MACHRA's Balitaan na isinagawa ng Manila City Hall Reporters' Association (MACHRA). Nasa larawan din sina (mula kaliwa) moderator at MACHRA President Itchie Cabayan, MTPB Adviser and Consultant Dennis Viaje, Congressman Joel Chua (3rd district) at (kanan) moderator at Vice President Andi Garcia. (JERRY S. TAN)

Pag-urong ng filing ng CoCs sa BSK election, welcome sa Liga ng Barangay sa Maynila

Sinabi ni Manila City Councilor Dr. Lei Lacuna, na pangulo rin ng Liga ng mga Barangay (LnB) sa Maynila, na ‘welcome’ para sa kanila ang desisyon ng Commission on Election (COMELEC) na iurong ang filing ng certificates of candidacy (CoCs) para sa Barangay at Sangguniang Kabataan elections.

Ang pahayag ay ginawa ni Lacuna sa MACHRA’s Balitaan sa Harbour View forum ng Manila City Hall Reporters’ Association (MACHRA), kung saan sinabi nito na pabor ang mga barangay sa desisyon ng Comelec na iatras sa huling bahagi ng Agosto ang filing ng CoCs dahil mas mabibigyan ng mahabang panahon ang pagpapatupad ng mga proyekto nang hindi naaakusahang namumulitika.


“Mas okay ‘yun para sa amin. Nagulat nga kami na na-schedule ng maaga, supposed to be. Mas pabor sa amin (rescheduling) kasi maiiwasan rin namin na masabing namumulitika,” pahayag nito.

Si Lacuna, na chairman ng Barangay 609 sa Sta. Mesa, District 6, ay ipinaliwanag din na: “each barangay has lined up projects in the past that need to be implemented and that it is their job to carry out such plans that would benefit their constituents.”

“Marami kaming project na kailangang gawin so, pag nag-file ‘yung iba ng July baka sabihin ng mga residente ginagamit namin ang budget ng barangay which is hindi naman kasi dapat ang barangay, lagi naming nasa isip kung ano ang maibibigay na serbisyo sa barangay,” ayon pa dito.


Sa pag-atras ng filing ng CoCs sa huling bahagi ng Agosto, sinabi ni Lacuna na “…at least mawawala sa isipan ng mga nasasakupan na ginagamit at gumagawa ng proyekto ang isang barangay dahil kami ay nag-file ng certificate of candidacy.”

Matatandaan na inanunsyo ni Comelec Chairman George Garcia na ang filing of certificates of candidacy (CoCs) sa Barangay and Sangguniang Kabataan elections ay ginawa ng Agosto mula sa orihinal na unang linggo ng Hulyo upang bigyan ng kahandaan pa ang Armed Forces of the Philippines at Philippine National Police (Philippine National Police). Ito ay dahil na sa karahasang umiiral kung saan ang mga kalimitang biktima ay lokal na opisyal.


Hiniling ng mga mambabatas sa poll body na ipagpaliban ang CoC filing, dahil kung gagawin ito ng Hulyo ay mahihirapan ang local government units (LGUs) dahil sa election-related restrictions sa ilalim ng Omnibus Election Code.

‘Di tulad ng national elections, sinabi ni Garcia na ang mga nag- file ng kanilang CoCs sa loob prescribed period ay kinikunsidera na bilang kandidato at subject na ng Omnibus Election Code.


Ayon kay Lacuna, ang pagpapaliban ng CoC filing ay makakatulong rin sa local government unit (LGU) na makapagtrabaho nang husto nang walang inaalala na puwede silang akusahan ng premature campaigning o pamumulitika. (JERRY S. TAN)

Tags: Manila City Councilor and Liga ng mga Barangay President Lei Lacuna

You May Also Like