Latest News

KIM CHIU ‘MAGALING’ NANG HUMALIK

By: Beth Gelena

Pinag-uusapan ang viral na kissing scene nina Kim Chiu at Paulo Avelino kung saan nasa loob sila ng cabinet.

Kuwento ni Kim, kinakabahan daw siya noong kinukunan ang kanilang eksena ni Pau.

Pero inisip daw niya: “Baka inulit-ulit namin (yung kissing scene) sabihin nila kami na.”

Saka tumawa ng malakas ang TV host-actress.

Ano naman reaksyon ni Pau?

“Uhmmm.. Nakangiti lang siya,” anito.

Kaya naman inulan ng komento ng netizens ang naturang eksena.

“Galing humalik ni Kim yon lang haha”

“Masakit ang umasa lalo na kay P.”

“Omg! Kinilig ako”

“I think na perfect na nya ang umaasa c/o 1st and 2nd exes. Go lang ng Go Kimmy!”

“I dont think umaasa si Kim sa guy na ito. Komportable si Kim magjoke ng ganyan kasi friends sila nung guy. Ganyan din naman magjoke si Kim sa mapababae or lalaki nyang friends”

“Nakita ko yung pic at labas ang dila ni K sa kissing scene nila. Feeling ko na-develop ito kay P.”

“Please kilig responsibly, Pau is a good actor, don’t push it mga faney ni Kim.”

“Kim just happens to be a happy person. Why does her happiness bother you?”

“Masasaktan ka lang gurl. Kumalma ka.”

“That was an iconic scene from the original. So of course isinama nila. And let’s remember mature na yung characters that they are playing. Almost-30 and in his 30s. If they kiss that way, di naman siguro kataka-taka. Magulat tayo kung 15, 16 years old pala mga characters nila tapos ganun ang kissing scene.”

Pinaalalahanan naman ng isang commenter si chinita princess.

“Kim, huwag masyadong obvious. Minsan natuturn off ang lalaki sa ganiyan”

“Kaysa naman later na ma turn off. The earlier the better… para at least mapunta si Kimmy sa tamang lalake para sa kanya kung mabigo man kay Paulo.”

“Walang reaction si Paulo Balewala ang kissing scene kay P, actor sya eh. The role calls for it. Si Kim F na F naman jusko”

“He seems #unimpressed”

“Malakas talaga chemistry nila. Grabe naman talaga yung kissing scene very realistic. Take one lang pala yon.”

“Paulo is just being polite and just doing his job.”

“Sana naman magkaroon ng maayos at deserving na lovelife si Kimmy. Yung mamahalin siya ng maayos at tratuhin siya ng may importansiya, pagmamahal, respeto at aalagaan siya. She seems to love with her whole heart.”

Tags:

You May Also Like

Most Read