ISA sa FAMAS trophy na napanalunan ni Nino Muhlach noon ay binenta niya kay Boss Toyo.
Sa episode ng Pinoy Pawnstars kamakailan, bumisita ang dating child actor na si Nino sa content creator’s shop sa Quezon City.
Personal niyang dinala ang isa sa limang trophy na kanyang napanalunan bilang Best Child Performer noon.
Binenta ng former child actor/entrepreneur ang isa sa kanyang mga trophy mula sa Filipino Academy of Movie Arts and Sciences (FAMAS) kay Boss Toyo sa halagang P500,000.
Ayon naman kay Boss Toyo, ang nasabing trophy ay “priceless.”
Plano umanong i-display ni Boss Toyo ang FAMAS trophy sa museum na kanyang ipagagawa.
“Aalagaan mo yan, irerestore mo yan,” say ni Nino sa content creator.
Aniya, pagsasamahin daw niya ang tropeo ng dalawang child actor (Nino at Jiro Manio).
Si Jiro ang unang nagbenta sa kanya ng FAMAS Child’s trophy a few months ago.
Paliwanag ni Nino: “I decided to give it to him, pero big deal, kailangan alagaan niya and i-restore nya and ilagay nya sa museum nya, dahil hindi ko na naalagaan. Yun ang deal namin.”
Ayon kay Boss Toyo, isa sa dream items ay ang FAMAS trophy ni Wonderful Boy, ang tawag noon sa child actor kung saan pareho niyang makatrabaho ang dalawang legend actor ng Philippine Cinema, ang Hari ng Action Fernando Poe Jr. ay Comedy King Dolphy.
“Ikaw ang barometer, pag sinabing ‘child actor’, tandaan natin, wala pa akong nakitang nakadaig sayo as a child actor,” sabi ni Toyo kay Nino.
Aside from acting, Muhlach runs several business outfits, including his El Nino Apartments and Muhlach Ensaymada.