GITNA ng sunod sunod na kontrobersiyang kinasasangkutan ng mga tauhan ng Philippine National police ay ipinagmamalaki ng Department of Interior and Local Government (DILG) na umaabot sa 2,304 na pulis ang napatawan ng kaparusahan ng pamunuan ng PNP sa loob lamang ng may isang taon.
Ayon kay Interior and Local Government Secretary Benjamin Abalos Jr. ang nasabing bilang ng mga pulis ay napatawan ng parusa sa tuloy tuloy na ginagawang paglilinis ng hanay ng PNP sa loob isang taon sa termino ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
Kahapon sa ginanap na pulong balitaan sa Camp Crame ay ipinagmalaki ni Abalos na 583 pulis ang sinibak sa serbisyo, 129 ang na-demote, at 978 ang nasuspinde mula July 1, 2022 hanggang Agosto 2, 2023.
Habang 424 naman ang na-reprimand, 81 naman ang na-forfeit ang sahod, 61 ang naging subject ng restriction at 48 ang na withhold ang pribilehiyo sa loob ng naturang panahon.
Subalit nilinaw ng kalihim na mayorya ng pambansang pulis ang nanatiling maayos na tumutupadng kanilang tungkulin, kasabay ng pagbibigay diin na ang mga pulis na nakagawa ng kamalian at nakasuhan ay wala pang isang porsyento ng kabuuang mahigit 220,000 tauhan ng PNP.
Kaugnay nito nakatakdang imungkahi ni SILG Atty Benjamin Abalos sa PNP at maging sa National Police Commission (NAPOLCOM) ang pag-revisit sa command responsibility doctrine ng pambansang kapulisan .
Sa press conference ni Sec. Abalos na kasama niya ang g PNP Command Group, sinabi nitong nais niyang mas maging flexible ang naturang doktrina kung saan hindi na kailangan pang hintayin ng PNP chief na maka-tatlong strike ang isang commander bago ito sibakin at mapanagot sa command responsibility.
Ani Abalos, dapat depende sa ito sa kaso at sa bigat ng impak nito sa lipunan.














