Sina Mayor Honey Lacuna at Manila social welfare department head Re Fugoso ay nananawagan sa mga magulang at guardians na iparehistro ang kanilang mga minors with disability (MWDs) sa mga barangay. (JERRY S. TAN)

MAYOR HONEY, NANAWAGAN SA MGA MAGULANG AT GUARDIANS NA IREHISTRO ANG MGA MWDs

By: Jerry S. Tan

Nananawagan si Manila Mayor Honey Lacuna sa mga magulang at guardians ng mga minors with disability o MWDs na iparehistro ang ito sa mga barangay upang makatanggap ng ayuda sa pamahalaang-lokal.

Sinabi ni Lacuna na sa pamamagitan ng pagpapatala ay makakasama ang mga MWDs sa listahan ng tatanggap ng buwanang cash assistance na ibinibigay ng city government sa pamamagitan ng social amelioration program nito.

Ayon kay Lacuna, ang tanggapan ni social welfare department chief Re Fugoso ay magsisimula nang isama ang mga menor de edad na may disability na nakapagpa-rehistro sa kanilang mga barangay, para sa darating na payout sa susunod na buwan, kasabay ng solo parents.


Ang pagsasama ng MWDs sa listahan ng lungsod para tumanggap ng cash aid ay alinsunod sa Ordinance 8991 na ipinasa sa Manila City Council at iniakda ni Councilor Fa Fugoso (3rd district).

Sinabi ni Lacuna na ang mga naturang minors ay tatanggap ng ?500 monthly allowance mula sa lungsod, na masaya umano sa pagyakap sa mga MWDs at sa pagbibigay sa kanila ng allowance, gaano man ito kaliit.

Ang ordinance 8991 na ipinasa noong September 19, 2023, ay nag-amyenda sa Ordinances 8565 at 8756 na ukol sa pagkakaloob ng buwanang allowance sa mga adult persons with disabilities (PWDs), maliban sa seniors at solo parents na nakatira sa Maynila.

Sa ilalim ng amendment na iniakda ni Councilor Fugoso, lahat ng PWDs na edad 59 pababa ay maaring tumanggap ng ?500 kada buwan kung sila ay nakatira sa lungsod sa nakalipas na anim na buwan.


Kailangan na ang kanilang pangalan ay nasa listahan ng PWDs sa tanggapan ni MDSW chief Re Fugoso at kailangan din umano na sila ay ‘registered voters’ ng Maynila, maliban sa minors kung saan magulang at legal guardians naman ang siyang dapat na botante sa lungsod.

Tags: Manila social welfare department head Re Fugoso, Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read