ARESTADO ang isang babaeng tulak matapos na makuhan ng kalahating kilo ng shabu sa isinagawang anti narcotics operation ng mga tauhan ng Philippine Drug Enforcement Agency region 4A sa Maynila.
Batay sa paunang report, ni PDEA Region 4A Agent Marcial calubaquib, nasa kalahating kilo ang shabu ang nakumpiska ng mga operatiba ng PDEA sa ikinasang drug buy bust operation sa Magallanes st., sa Intramuros bandang alas 2:00 ng hapon kahapon .
Ayon sa team leader ng PDEA sa kang isinumiteng ulat kay PDEA Director General Moro Vergilio Lazo masusi nilang pinag planuhan ang isasagawang buy bust operation laban kay Semerah Laugan, residente Ng BASECO compound, sa lungsod Ng Maynila.
Habang nakatakas naman ang kasama nitong lalaki na hinihinalang isa ring high value target ng mga awtoridad gaya ni Laugan.
Ayon sa pdea nag panggap na posear buyer ang isa nilang kasama at nagkaroon ng transaksyon sa a Intramuros sa tapat ng dating gusali ng PLDT at nang magpositibo sa droga agad na dinakma ang suspek at narekober sa kanyang pag iingat ang NASABING DAMI NG SHABU.
Paliwanag ng suspek nautusan lamang daw sya na dalhin ang naturang droga at pag nagkabayaran ay bibigyan siya ng limang libo poison bilang kabayaran
Nagsasagawa pa ng follow up operations ang PDea para maaresto ang nakatakas na kasama nito.