Latest News

Metropolitan Theater, nasunog

Hindi pa man tuluyang binubuksan sa publiko natupok na ang bahagi ng Metropolitan Theater kahapon ng umaga sa Arroceros, Ermita, Maynila.

Ayon sa ulat ng Manila Bureau of Fire Protection (BFP), alas 8:55 ng umaga nang makitang umuusok ang MET.

Umabot ang sunog sa ikalawang alarma at idineklarang fire-out alas 9:41 ng umaga.


Wala naman iniulat na nasaktan o nasawi sa naganap na sunog.

Habang patuloy na iniimbestigahan ng Arson Division, ang sanhi ng sunog at halaga ng napinsalang ari-arian. (Philip Reyes)

Tags:

You May Also Like

Most Read