1,000 NPA NA LANG ANG TINUTUGIS

By: Victor Baldemor Ruiz

Tiwala ang National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC), maging ang Armed Forces of the Philippines, na tuluyan na nilang makakamtan ang ‘tactical victories’ laban sa mga nalalabing kasapi ng Communist Party of the Philippines at armadong galamay nitong New Peoples Army (NPA) .

Sa ginanap na pulong balitaan ay inihayag ng NTF-ELCAC na nasa mahigit 1,000 na lamang ang nalalabing pwersa ng naturang rebeldeng grupo.

Kasunod ito ng pahayag na may tatlo pang NPA Guerilla Front ang kanilang nawasak, ayon kay NTF-ELCAC Executive Director Undersecretary Ernesto Torres, Jr. Salungat ito sa pahayag ng makakaliwang hanay na sila ay malakas pa.


Napag-alaman na may 422 miyembro at supporters ng mga ito ang na-neutralize ng military mula sa mga ikinasang operasyon noong Enero hanggang Marso ng taong kasalukuyan.

Ayon kay Torres, wala nng ‘active guerilla fronts’ subalit mayroong 11 weakened guerilla fronts. Lima rito ang nasa Luzon, tatlo sa Visayas ay tatlo sa Mindanao at may ilang reports aniya kaugnay sa ganap na paglansag sa dalawang guerilla fronts sa Visayas at isa sa Mindanao.

May ilang rehiyon din umano ang idineklara nang ‘insurgency-free,’ kabilang ang Ilocos, Zamboanga Peninsula,Davao Region at kamakailan lamang, ang Surigao del Norte.


Tags: National Task Force to End the Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC)

You May Also Like

Most Read