ISANG rape suspect at itinuturing na kabilang sa ‘citywide most wanted personality’ ang nadakip ng mga tauhan ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group sa inilunsad na law enforcement operation sa Pasay City.
Sa isinumiteng ulat ni PNP-CIDG National Capital Region Field Unit Director Col Randy Glenn G Silvio kay CIDG Director Police Major General Eliseo DC Cruz , nadakip sa kanilang: CIDG Flagship Project Oplan Pagtugis at Oplan: Salikop ang rape suspek na si Renato Sudario Jr., na umano ay ‘MWP Top 9 City Level of Pasay City’, 48, ng No. 2283 Lakandula St. Brgy. 66, Pasay City.
Ayon sa accomplishment report ng Regional Chief, RFU NCR, walang piyansang inerekomenda ang korte para sa ikalalaya ni Sudario matapos nilang matunton ang pinagtataguan nito sa Balagtas St. Brgy. 14, Zone 2, Pasay City kamakalawa ng hapon
Nabatid na bago ang ikinasang law enforcement operation ay nagsagawa muna ng surveillance and intelligence operation ang mga tauhan ni Col Silvio.
Nang nag-positibo sa kanilang target ay sumalakay ang mga tauhan ng CIDG Eastern MMDFU (lead unit ) kasama ang Warrant Section ng Pasay City Police Office na aramado ng Warrant of Arrest sa kasong rape through sexual assault na inisyu ni Hon. Albert Cansino, Presiding Judge ng National Capital Judicial Region, RTC, Branch 108, Pasay City nitong Marso 18, 2022. No Bail recommended ang kaso.
Sinasabing kasapi rin ang suspek ng Lewd Carnal Crime Group under IR file No. NCRCIDU EMM-22-2-25-A
Agad na ibinalik sa korte ang inilabas na warrant at pansamantalang kustodiya ng Pasay CPS para sa kinakailangang documentation and disposition. (VICTOR BALDEMOR)














