Latest News

INMATE, NILABASAN NG ARREST WARRANT SA ANTIPOLO

NANLUMO ang isang 24 anyos na binata, dahil hindi pa natatapos ang kaso nito sa korte,nang magtungo ang mga tauhan ng Manila Police District upang iserve ang warrant of arrest sa mismong kulungan sa Antipolo City Police sa Sitio Pulong Banal, Barangay San Jose Antipolo City, miyerkoles ng hapon.

Nakilala ang suspek na si Isagani Dela Cruz Y Ocampo aka “Gani” jobless ng 1504 Tindalo St., Tondo, Manila.

Base sa ulat ni P/ Lt.Col . Robert Domingo, Commander ng MPD- Jose Abad Santos Police Station 7 , bandang 5:45 ng hapon, ng hapon nang isilbi ang arrest warrant kay Dela Cruz sa naturang piitan sa Antipolo City.


Dahil sa patuloy ang operasyon ng pulisya sa ” Oplan Pagtugis” natunton ang suspek dahil na rin sa inilabas na rekord na nakakulong si Dela Cruz.

Bitbit ang warrant of Arrest na inisyu ni Hon.Ma.Ludmila De Pio Lim , Presiding Judge ng Metropolitan Trial Court Branch 34 ng Quezon City na may petsang April 29, 2022.

Pinangunahan ni P/ CMS Arnold Santos ng Warrant Section , nang magtungo ang mga ito sa Antipolo City ayon na rin sa utos ni Lt.Domingo sa direktiba naman ni MPD- Director , P/ Brigadier General Leo ” Paco” Francisco ang pagaresto sa suspek.

Si Dela Cruz ay nahaharap sa kasong Theft ng Revised Penal Code Article 308.


Tags:

You May Also Like

Most Read