Latest News

DOH, PINAMAMADALI ANG HUSTISYA SA PINAGBABARIL NA NURSE

By: Jaymel Manuel

HILING ng Department of Health(DOH) ang pagbibigay ng agarang hustisya para sa 39-anyos na nurse na pinagbabaril nang tangkain lamang nitong tulungan ang suspek na tumumba kasama ang motor sa Caloocan City.

Ayon kay DOH spokesman Assistant Secretary Albert Domingo sa isang text message, “harm should never be exchanged for help.”

“The Department of Health joins the families of Nurse Mark John Blanco and Mr Willy Maranom in seeking swift justice for their loved ones,” ani Domingo.


Nasawi si Blanco dahil sa tama ng bala sa ulo at braso at limang anak ang naulilal nito.

Bukod kay Blanco, isa pang residente na dumating sa parehong scene ang binaril din ng suspek .

Naulat na nagalit umano ang suspek na si Joel Vecino, 54, isang security guard, nang hindi umandar ang kanyang natumbang motorsiklo at binaril nito ang nurse na nagtangka lamang sana na tulungan siya matapos ang aksidente.


Tags:

You May Also Like

Most Read