ARMY BARRACKS, NASUNOG

Nasunog ang isa sa mga military barracks ng Philippine Army sa Fort Bonifacio, Taguig City kaninang umaga.

Sa paunang ulat ng Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR), sumiklab ang apoy dakong alas-9:40 ng umaga kanina.

Itinaas sa unang alarma ang sunog at agad ding idineklarang fire out dakong alas-10:09 ng umaga.


Samantala, ayon kay Philippine Army Spokesperson, Col. Xerxes Trinidad, transient barracks para sa mga opisyal ang nasunog na gusali sa loob ng Army Headquarters.

Ani Trinidad, walang nasugatan o nasawi sa nangyaring sunog habang patuloy pang inaalam ang sanhi nito. (Victor Baldemor)


Tags: Bureau of Fire Protection-National Capital Region (BFP-NCR)

You May Also Like

Most Read