Latest News

POPULASYON NG MUNDO, NASA WALONG BILYON NA, SYMBOLIC BABY ISINILANG SA MAYNILA

UMAKYAT na sa walong bilyong tao ang naninirahan at nagsasalo-salo sa resources ng mundo simula kahapon matapos na isinilang sa Sta. Cruz, Maynila, ang “8 billionth baby of the world.”

Isang malusog na sanggol na babaeng “symbolic baby” ng Pilipinas ang isinilang matapos ang anim na araw na pinagle-labor ng kanyang ina..

Ganap na ala-1:29 ng umaga nang iluwal via normal delivery ang sanggol ng 26-anyos na si Maria Margarita ng Tondo, Maynila sa Dr. Jose Fabella Memorial Hospital.


Napag-alaman na dito rin isinilang ang 100th million baby sa mundo noong 2014.

Tuwang-tuwa si Margarita nang malaman na ang kanyang anak ang itinanghal na symbolic baby ng Pilipinas para sa 8 billionth baby of the world.

Sa tala ng Population Commission, nasa mahigit ng 110.5 million na ang populasyon ng bansa sa kalagitnaan ng 2022 at madadag na dito si Vernice na siyang ipinangalan sa symbolic baby ng Pilipinas

Sinasabing mahalagang malaman ang kabuuan ng populasyon ng mundo para sa pagpa-plano ng mga bansa lalo na sa kalusugan ng bata simula ng nasa sinapupunan pa lamang ito.


Umaasa ang komisyon na ang symbolic baby ng bansa na si Venice ang magiging simbolo ng pagbabago sa darating na panahon para mas mapaganda ang mga programa para sa mga bagong silang na mga sanggol.

Para naman sa National Nutrition Council, ang symbolic baby ang maging daan sana para matugunan ng pamahalaan ang mga tamang hakbang, lalo na sa unang 1,000 araw ng sanggol.

Sinasabing isa sa mga resulta kung hindi natutugunan ang pangangailangan ng mga bata sa loob ng 1,000 days ang pagiging bansot nito, kakulangan sa nutrisyon na posibleng maging sanhi ng under development ng bata at malaki ang posibilidad na hindi pagkakaroon ng magandang buhay sa hinaharap ayon sa NNC. (VICTOR BALDEMOR RUIZ)


Tags:

You May Also Like

Most Read