ALOK NA LIBRENG MEDICAL INSURANCE, ITINANGGI NG DOH

By: Jaymel Manuel

Binalaan ng publiko ang Department of Health (DOH) kaugnay sa isang malisyosong social media post na nag-aalok ang kagawaran ng libreng medical insurance.

Ayon sa DOH, peke ang nabanggit na post na gumagamit ng logo ng DOH at hindi rin umano ito nag- aalok ng libreng medical insurance.


” The said page is FAKE as well as any affiliate links and/or posts, “anang DOH..

Tiniyak ng DOH na sasampahan ng kaukulang kasong kriminal ang nagpapakalat ng naturang post .

Samantala, nanawagan naman ang DOH sa publiko na bumisita lamang sa lehitimong social media platform ng ahensiya.


Tags: Department of Health (DOH)

You May Also Like

Most Read