DALAWA HULI, P4.5-M HALAGA NG MARIJUANA, NASAMSAM NG PDEA

By: Victor Baldemor Ruiz

DALAWANG hinihinalang high-value targets ang nadakip ng mga tauhan ng Philippine Drug enforcement Agency sa inilunsad na anti-illegal drug law enforcement operation sa Barangay, Santor, Rizal, sa Kalinga.

Armado ng search warrant ay nadakip ng mga ahente ng PDEA sina Arnel Sanga @ Arnel (Regional target listed), 28, ng Brgy. Santor, Rizal, Kalinga at Benjamin C Marayag , 46 taong gulang, magsasaka ng Brgy. Santor, Rizal, Kalinga.


Sa ulat na isinumite kay PDEA Director General Moro Virgilio Lazo, ikinasa ng mga operatiba ng PDEA Regional office NCR-SDO, katuwang ang PDEA RO CAR, Kalinga Provincial Office at Ifugao PO, PDEA RO II; Cagayan Police Office, KPPO PIU/DEU, 1st KPMFC, Rizal MPS at ARMY 503rd Infantry Battalion ang kanilang COPLAN: DOSE HERO.

Bago maghatinggabi ng Lunes ay sinalakay ng mga awtoridad ang hideout ng mga suspek at dito nakuha ang walong marijuana bricks na tumitimbang ng nasa walong kilo at may estimated market value na aabot sa P960,000.

Bukod dito ay nakumpiska rin ang tatlong marijuana tubular (MOL 3 kilo) na may estimated market value na aabot sa P360,000. Dalawang hinabing sako na naglalaman ng dried marijuana leaves more or less 18,300 kilograms na may estimated market value na nasa P2,196,000.


Bukod pa ito sa dalawang glass bottles ng suspected marijuana oil na may estimated value na aabot sa 1,080,000, isang digital weighing scale at isang air rifle.

Patuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng PDEA at maaaring maharap ang mga suspek sa paglabag sa Section 8, Art. II of RA 9165.


Tags: Philippine Drug Enforcement Agency

You May Also Like