Latest News

Pinaalalahanan ni Mayor Honey Lacuna ang mga nagparehistro sa libreng kasalan na makipag-ugnayan sa tanggapan ni civil registry office chief Encar Ocampo hanggang Abril 30. (JERRY S. TAN)

APRIL 30, DEADLINE SA MGA NAGPAREHISTRO SA LIBRENG ‘KASALANG BAYAN’ SA MAYNILA NA ISUMITE ANG KANILANG DOKUMENTO

Pinaalalahanan ni Mayor Honey Lacuna ang mga residente ng Maynila na nagparehistro para sa libreng kasal sa Hunyo na hanggang sa Abril 30,2024 na lamang ang deadline sa para sa pagsusumite ng mga kinakailangang requirements.

Matatandaang inianunsiyo ang paanyaya sa mga nais makasal nang libre noong Enero at ang deadline sa pagpaparehistro na ‘first-come, first-served basis’ ay natapos nitong Abril 26,2024. Ang pagsusumite ng mga requirements ay itinakda naman hanggang Abril 30,2024.

Ang Manila Civil Registry Office (MCRO) na pinamumunuan ni Encar Ocampo ang tumatanggap sa mga gustong magpakasal at napag-alaman na ang mga aplikante para sa libreng church wedding ay nilimitahan para sa 100 couples , habang mas mataas naman ang bilang para sa mas gusto ng civil wedding.


Gaganapin ang ‘Kasalang Bayan 2024’ bilang bahagi ng pagdiriwang ng ‘Araw ng Maynila’ sa June 24. Ang nasabing programa ay ginagawa ni Lacuna mula pa noong siya ay bise-alkalde pa lamang.

Ani Ocampo, inoobliga ang mga aplikante para sa civil at church wedding na magprisinta ng certificate of no marriage (CENOMAR), marriage license iniisyu ng Manila Civil Registry at affidavit of cohabitation para sabedad 23 o mas matanda pa na nagsasama sa loob ng limang taon at may mga anak na, birth certificate ng bata, birth certificate at valid identification card with Manila Address (government-issued).


Ang church wedding registrants ay dapat na magbigay ng karagdagang dokumento gaya ng baptismal certíficate, ??confirmation certíficate, ?marriage banns (for those who are not from the parish of Intramuros, interview/ church seminar).


Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read