Latest News

DAULAH ISLAMIYAH-MAUTE GROUP SUB-LEADER, APAT PA, PATAY SA SAGUPAAN

By: Victor Baldemor Ruiz

DEAD-on-the-spot ang isang Daulah Islamiyah-Maute Group (DI-MG) subleader at apat na tauhan nito, matapos ang sunod-sunod sa sagupaan, nang matunton sila ng mga tauhan ni Maj. General Gabriel Viray ng AFP Ist Infantry Tabak Division nitong Lunes sa Lanao del Norte.

Ayon kay Maj.Gen Viray, habang nagsasagawa ng decisive military operations ang tropa ng 103rd Infantry Brigade ay nasabat nila ang may 12 kasapi ng DI-MG na nasa pamumuno ni Nasser Daud, a.k.a. Mahater/Ustads Nasser/Mas’Od sa Barangay Cadayonan, Munai, Lanao del Norte.


Tumagal ng halos 45 minuto ang bakbakan bago tumakas ang mga terorista. Nagkaroon ng habulan at muling nagkasagupa ang mga hinahabol na Daulah Islamiyah mga sundalo sa Barangay Maganding, na umabot ng ilang minuto.

Ang serye ng habulan at sagupaan ay nagresulta sa pagkamatay ng limang DI-MG personalities na kinilalang sina Najeb Laguindab, a.k.a. Abu Jihad/Abu Yad, sub-leader ng grupo; Johaiver Dumar, a.k.a. Juhayber/Julaibib; Salman Dimapinto Nasrudin, a.k.a. Shuay’b; Mohaimen Hadji Ali, a.k.a. Ibn Sali, isa sa mga look-out, sa isinagawang December 3, 2023 MSU Gymnasium Bombing; at isang alias Muslima/Payko.

Bukod sa mga napaslang ay nakabawi din ang tropa ng Philippine Army ng isang M16 rifle, isang M14 rifle, at iba’t-ibang war materials.


Ayon kay Maj. Gen. Gabriel Viray III, Commander ng Joint Task Force ZamPeLan, may lima silang tauhan na nasugatan sa labanan na kinailangang ilabas sa encounter area at itakbo sa pagamutan.

Pinapurihan naman ni Lt. Gen. William Gonzales, Commander ng AFP Western Mindanao Command, ang tropa ng JTF ZamPeLan sa magandang accomplishment nito.


“I commend our soldiers for their untiring dedication to their duties as we expedite the neutralization of the remnants of the terror groups in our area of operation,” ani Lt. Gen. Gonzales.

“Rest assured that with the support of the local government units and the communities, we will soon achieve our goal of putting the sickening problem of terrorism to an end,” dagdag pa ni Gonzales.


Samantala, sa walong tinutugis na responsable sa madugong MSU Gymnasium bombing, pito na ang na-neutralize ng military at tanging si Nasser Daud, a.k.a. Mahater/Ustads Nasser/Mas’Od na lamang ang nananatiling tinutugis.

Tags: Daulah Islamiyah-Maute Group (DI-MG)

You May Also Like