Latest News

MASTERMIND SA ‘DJ JOHNNY WALKER SLAY CASE,’ TARGET PA NG PNP

By: Victor Baldemor Ruiz

TARGET ngayon ng Philippine National Police na matukoy at madakip ang pinaka-mastermind sa pagpatay sa radio broadcaster na si Juan Jumalon aka ‘Dj Johnny Walker’ matapos na madakip ng mga awtoridad ang gunman sa likod ng krimen.

Ito ang dahilan ayon kay PNP– Public Information Office (PNP-PIO) Chief PCol. Jean Fajardo, kung bakit hindi pa nila kinokonsiderang ‘case closed’ ang kaso ng pagpaslang kay Jumanoy kahit na nadakip na ang triggerman


Kamakalawa ng umaga ay nadakip ang ikatlong suspek na si Julito Mangumpit na siya ring primary gunman sa pagpatay kay Jumalon.

Ayon kay PCol. Jean Fajardo, target ng follow-up investigation na matukoy at maaresto ang mastermind o utak sa pagpatay sa mamamahayag at motibo sa likod nito.

Habang isinusulat ang balitang ito ay hindi pa umano tumutuga o nakikipag-kooperasyon si Mangumpit sa mga imbestigador.


Naniniwala ang PNP na mayroong nag-utos at ginawang instrumento lamang ang tatlong suspek para patayin ang brodkaster.


Tags: Philippine National Police

You May Also Like