KASO NI QUIBOLOY, PINALILIPAT NG OCA SA METRO MANILA

By: JANTZEN ALVIN

Nagsagawa ng rekomendasyon ang Office of the Court Administrator (OCA) sa Supreme Court (SC) ukol sa pag-apruba ng Department of Justice (DOJ) sa kahilingang ilipat mula sa korte sa Davao City patungong korte sa Metro Manila ang paglilitis sa kaso laban kay Kingdom of Jesus Christ leader Pastor Apollo Quiboloy.


Tumanggi naman si Court Administrator Raul Villanueva na ipaalam ang eksaktong lugar kung saan ililipat ang paglilitis ng kaso ni Quiboloy.

“Yes, the OCA already submitted its recommendation, and it’s up to the Court to decide whether to approve it or not,” ani Villanueva.

Bago niyan ay una nang hiniling ng DOJ ang paglilipat sa alinmang korte sa Metro Manila sa kasong child abuse ni Quiboloy na nasa korte ngayon ng Davao City, kung saan bukod kay Quiboloy ay pinaaresto rin ng korte sina Jackielyn W. Roy, Cresente Canada, Paulene Canada, Ingrid C. Canada at Sylvia Cemanes.


Napag-alaman na si Quiboloy at iba pang respondents ay sinampahan ng kasong paglabag sa Sections 5(b) and 10(a) ng Republic Act (RA) No. 7610, kilala bilang Special Protection of Children Against Abuse, Exploitation and Discrimination Act.


Tags: Supreme Court (SC)

You May Also Like