Dating Boac Mayor, pinagpapaliwanag ng SC dahil sa paulit- ulit na pleadings

By: Jaymel Manuel

Pinagpapaliwanag ng Supreme Court (SC) si dating Boac Marinduque Mayor Pedeito Nepomuceno dahil sa paulit-ulit na paghahain nito ng depektibong pleadings.

Napapaloob sa desisyon ng SC En Banc na isinulat ni Associate Justice Amy C. Lazaro-Javier, ibinasura nito ang Motion for Reconsideration na inihain ni Nepomuceno at inatasan pa itong magpaliwanag sa loob ng ‘non-extendible period’ na 10-araw, kung bakit hindi siya dapat na i-cite in contempt dahil sa paulit-ulit na paghahain ng defective petitions sa hukuman, na kinasasangkuta ng iisang isyu lamang.


Npag-allaman na noong Disyembre 5, 2023, ibinasura ng SC ang petition for the issuance of a writ of kalikasan at writ of continuing mandamus na inihain ni Nepomuceno.

Sinabi ni Nepomuceno na ang mga mamamayan ng Boac ay dumanas ng mga pagbaha dahil sa Boac River Reclamation Project, na ayon sa kanya, ay hindi dumaan sa Environmental Impact Analysis ng Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Ang naturang 2023 Petition ay natuklasang non-compliant o hindi tumalima sa mga requirements sa ilalim ng Rules of Procedure for Environmental Cases.


Nadiskubre rin ng hukuman na bigo si Nepomuceno na magsumite ng proper verification; hindi nagbayad ng required docket at legal fees; bigong magpakita ng proof of service sa adverse parties; bigong mag- file ng kinakailangang bilang ng kopya ng petisyon at hindi rin nakapagsumite ng electronic copy ng petisyon sa pamamagitan ny electronic mail sa loob ng 24 oras mula sa paghahain ng hard copy kaya ibinasura ng hukuman ang naturang 2023 Petition at naghain si Nepomuceno ng apela.

Sa naturang motion for reconsideration ay inulit lamang ng petitioner ang mga nilalaman ng 2023 petition at binalewala ang ruling ng hukuman sa natukoy na procedural flaws.


Ayon sa SC ang mosyon na walang lagda at walang petsa, ay mistula ring isang hiling lang ng pang-unawa at leniency, sa halip na ayusin ang mga procedural defects sa 2023 Petition.

Sinabi rin ng SC na ang naturang mosyon ay pang-apat na pagkakataon nang naghain si Nepomuceno ng defective pleadings.


Nalpag-aaman na bago ang 2023 petition, si Nepomuceno ay naghain na rin ng petition noong 2021 para sa writ of kalikasan at writ of continuing mandamus na kinasasangkutan rin ng Boac River Reclamation Project (2021 Petition) na pawang ibinasura ng SC.

Tags: Supreme Court (SC)

You May Also Like

Most Read