Latest News

ISA SUGATAN, 5 KOTSE NA-DAMAGE SA NAPUTOL NA TOWER CRANE

By: Baby Cuevas

Isang electrical laborer ang nasugatan habang nadaganan ang isang sasakyan at na-damage ang lima pang sasakyan nang maputol ang isang tower crane habang inaalis ang nakakabit na mga bakal sa Aguilar corner Tronqued Streets sa Barangay 294, Binonodo Maynila, kahapon ng umaga.

Ang sugatan na kinilalang si Ali Bryan Halipa, ng Barangay Cupang, Antipolo City, ay isinugod sa Manila Medical Center.

Napag-alaman sa Manila Police District -Police Station 11 na naganap ang insidente alas-6:03 ng umaga matapos na maputol ang tower crane ng T One China Construction,Third Bureau Corporation habang inaalis ang mga bakal.


Biglang bumagsak ang crane sa isang nakaparadang SUV na Isuzu at katabi nitong truck.

Nagreklamo laban sa nasabing construction company sina Marissa Sabado y Evangelista, ng 1038 Masangkay St., Barangay 294, Binondo, Maynila; Clayton Sy y Haw, 43 at residente ng Unit 704 Sunshine Mansion Condominium sa may 1087 Aguilar St., Barangay 294, Binondo, Maynila; Lyndon Ko y Ng, 60, residente ng Unit 801 Sunshine Mansion Condominium 1087 Aguilar St., Barangay 294, Binondo, Maynila; Eloisa Grace Valdez y Lachica, 32, kinatawan ng Sunshine Mansion Condominium at Winsen Von Yu y Lim, 38 , barangay chairman at residente ng 1088 Aguilar St., Barangay 294, Binondo, Maynila.

Kasong reckless imprudence resulting in damage to property at physical injury ang kasong isinampa laban sa naturang construction firm sa Manila Prosecutor’s Office.


Tags:

You May Also Like

Most Read