‘UNETHICAL PHARMA MARKETING,’ IIMBISTIGAHAN NG DOH, FDA AT PRC BOARD OF MEDICINE

By: Jaymel Manuel

Isang Joint Committee for Investigation (JCI) ang binuo ng Department of Health (DOH), Food and Drug Administration (FDA) at Professional Regulation Commission (PRC) para magsagawa ng imbestigasyon kaugnay sa “unethical pharma marketing.”

Ito ay kasunod ng isinagawang pagdinig ng Senado kaugnay sa nagaganap na ‘unethical pharmaceutical marketing practices” kung saan may.mga drug company ang nagbibigay ng mamahaling regalo sa mga doktor para ireseta ang kanilang.mga produktong gamot sa mga pasyente.

Napag-alaman na.layunin ng pagbuo ng JCI na. mapabilis ang isinasagawang ‘due process’ kaugnay sa napakaraming alegasyon na ipinarating sa pagdinig ng Senado.


” The JCI will help reduce redundancy and expedite due process requirements regarding the many allegations aired at the Senate hearing, ensuring that the integrity of the medical profession is protected while holding accountable those found to have violated pertinent laws, rules, and regulations,”ayon kay Health Secretary Teodoro Herbosa.

Hihingin umano ng JCI ang.mga komento at karagdagang impormasyon sa mga professional body gaya ng Philippine Medical Association (PMA) at ng Philippine Pharmacists Association (PPhA).

Napag-alaman na ang mga legal adviser ng JCI ay aalamin ang posibilidad ng pagkakaroon ng mekanismo para maprotektahan ang.mga whistleblowers.

“We are also looking into possible mechanisms to protect whistleblowers, so that they may provide actionable information and evidence,” anito.


Tags: Health Secretary Teodoro Herbosa

You May Also Like

Most Read