Latest News

Nagpaalala si Mayor Honey Lacuna na ang deadline para sa aapplications para sa Miss Manila 2024 ay sa Mayo 3 na. (JERRY S. TAN)

DEADLINE SA PAGSALI SA MISS MANILA 2024 SA MAYO 3, PINAALALA NI MAYOR HONEY

By: Jerry S. Tan

PINAALALAHANAN ni i Mayor Honey Lacuna ang mga kababaihang kwalipikado sa Maynila na hanggang Mayo 3 na lamang ang deadline ng applications sa mga gustong sumali sa Miss Manila 2024

Ayon kay Lacuna, hindi na ii-extend pa ang deadline kaya naman ang mga gustong sumubok ng kanilang kapalaran ay maaari pang mag-apply hanggang ngayong araw ng Biyernes n alamang.


Muling binanggit ng alkalde na ang nasabing competition ay bukas sa lahat ng kababaihan na single at may edad 18 hanggang 30 anyos at residente ng Maynila.

“She (applicant) must also embody the values of empowerment and leadership,” dagdag pa ng alkalde.

Kaugnay nito ay naglabas din ang alkalde ng ‘step-by-step guide’ kung paano maging kandidata sa Miss Manila 2024.


Una, ang applicant ay dapat umano na sagutin ang tanong na, ‘What Makes A Woman Of Worth Ultimately Beautiful?’.

Matapos niyan ay kailangan na i-upload niya ang video sa TikTok na may hashtags #MissManilaUltimatelyBeautiful and #MissManila2024.


Mula dito ay kailangan nang mag-register ang applicant at mag- fill out ng application form sa http://missmanila.ph, kung saan ilalagay ang mahahalagang impormasyon at requirements.

Ang isang applicant ay kailangan umano na maghintay ng tawag mula sa city government upang sabihin sa kanya na na siya ay natanggap at pasok na siya sa next stage ng qualification process.


Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like