Latest News

Sinusubukan ni Mayor Honey Lacuna ang isa sa mga donasyong computers sa bagong technology wing ng UdM. Kasama niya sa larawan sina (mula kaliwa) Dr. Rejan L. Tadeo, UdM Director for Quality Assurance, Accreditation, Compliance and Linkages; Emmanuel 'Cris' Gatdula, Director for Information and Communications Technology; Vice Mayor Yul Servo, UdM President Felma Carlos-Tria, Ambassador at UdM Regent Francis Chua at maybahay na si Betty Ang at UdM Vice President for Comptrollership Jeffrey Litan. (JERRY S. TAN)

UdM, LEVEL UP NA, MAY BAGONG TECHNOLOGY WING

By: Jerry S. Tan

Nitong Huwebes ay pinangunahan ni Manila Mayor Honey Lacuna, kasama sina UdM President Felma Carlos-Tria at UdM Regent and Honorary Consulate to the Republic of Peru na si Ambassador Francis Chua ang pagpapasinaya sa bagong ‘Technology Wing’ ng UdM na naglalaman ng mga moderno at bagong high-tech facilities at equipment, kasunod ng ‘unveiling’ ng ‘bust’ ni Chua sa lobby ng pamantasan, bilang pagbibigay-karangalan sa kanyang ‘generous contribution para sa sa UdM university.

Pinangunahan ni Mayor Honey Lacuna ang ribbon-cutting ng Ambassador Francis C. Chua Technology Wing sa UdM,kasama sina (gitna) Ambassador and UdM Regent Francis Chua at (mula kaliwa) maybahay ni Chua na si Betty Ang, UdM President Felma Carlos-Tria at Vice Mayor Yul Servo. (JERRY S. TAN)

Dumalo din sa nasabing okasyon sina Vice Mayor Yul Servo, maybahay ni Chua na si Betty Ang, ang kanilang mga anak , Dr. Rejan L. Tadeo, UdM’s Director for Quality Assurance, Accreditation, Compliance and Linkages; Emmanuel ‘Cris’ Gatdula, Director for Information and Communications Technology at UdM Vice President for Comptrollership Jeffrey Litan.

Sa kanyang mensahe, sinabi ni Lacuna na: “With the continuing development and advancement of technology, it serves as a big challenge for learning institutions to have suitable and adequate facilities not only for their students but more so for their teachers. Kailangan nating makasabay sa takbo at mga pagbabago sa iba’t ibang larangan at disiplina. Kaya napakalaking tulong itong pinasisinayaan nating Technology Wing dito sa UDM na naisakatuparan sa mabuting kalooban ni Regent Francis Chua.”


Nagpahayag ng pasasalamat si Lacuna sa bagong technology wing na aniya ay di lamang nilagyan ni Chua ng bagong computers kundi pinaganda pa ang tatlong computer laboratories at apat na lecture rooms at maging ang hiwalay na comfort rooms para sa lalaki at babae.

Si Mayor Honey Lacuna at Ambassador and UdM Regent Francis Chua. Nasa likuran nila ang ‘bust’ ni Chua na nasa UdM lobby. (JERRY S.TAN)

“Binago rin ang mga upuan, pati ang blackboards ay ginawang high tech. At siyempre lahat ng silid ay naka-aircon na rin. Angkop na angkop na tawaging Technology Wing. Maraming salamat Regent Chua sa napakahalagang ambag ninyong ito dito sa ating Universidad de Manila,” ani Lacuna.

Ayon kay Lacuna, ang pagsasa-moderno ng public schools sa Maynila ay palagiang kasama sa mga pangunahing prayoridad ng pamahalaang-lungsod.

Matatandaan na kamakailan lamang ay pinasinayaan ng alkalde ang tatlong state-of-the-art school buildings, kabilang na ang Manila Science High School, Rosauro Almario Elementary School at Dr. Alejandro Albert Elementary School. Lahat ng ito ay ten-storey buildings at kumpleto sa mga modernong pasilidad at kagamitan, airconditioned rooms at elevators, pati na rin gymnasium, auditorium, library, canteen at mga tanggapan na layuning makapagbigay ng inspirasyon sa mga estudyante upang pagbutihin ang kanilang pag-aaral.


“Lahat ng ito ay nakaugnay sa tinatahak nating direksyon sa pamamahala. Layunin natin na makamit ang isang Maringal na Maynila o Magnificent Manila pagdating ng taong 2030, kung saan ay mapapabilang ang Maynila sa tinatawag na mga world class cities. At sa tulong ng mga katulad ninyo Regent Francis Chua, walang imposible na maabot natin ang ating pinapangarap,” ayon pa sa alkalde, kasabay ng kanyang apela sa mga mag-aaral at school authorities na alagaan ang mga nasabing bagong pasilidad upang napakinabangan pa ito ng mga susunod na henerasyon.

Sa kanyang banda, inihayag naman ni Tria na ang donasyong Ambassador Francis Chua Wing “is such a big contribution to the university .In fact, it has such a big impact. I know that we can reach greater heights and with very big hearts such as Ambassador Francis Chua, sa tingin ko, mas mabilis tayong makakarating sa gusto nating puntahan.”

Ibinahagi din ni Tria na noong naupo siya bilang pangulo ng UdM bago pa naging alkalde si Lacuna ay tinanggap nila ang pagkatalo dahil hindi sila makapag- admit ng first year engineering students dala ng kakulangan sa kailangang facilities at laboratories na isang malaking investment.

Dahil dito, sinabi ni Tria na nag-concentrate na lamang sila sa information technology (IT) na in demand sa kasalukuyan at nagkasya sila sa paggamit ng kanilang modest computer laboratory dahil na rin sa limatadong pasilidad ng pamantasan.


Sa ngayon, ani Tria, ay maaring ipagmalaki ng UdM ang de-kalidad na College of Engineering and Technology nito, dahil na rin sa bilang ng mga estudyanteng pumasa sa board.

Bukod sa pagiging available ng wifi sa pamantasan at patuloy na ‘improvements’ sa mga gusali, tiniyak ni Tria ang patuloy na pagkakaroon nila ng graduates na ‘quality citizens’ na makapagbigay ng ambag sa pag-unlad ng lungsod, bansa at maging ng mundo.

“‘Yan lang aking vision as the head of the institution, na makapag-produce ng graduates who are ready for the global demands, ” ani Tria.

Ang mga isinagawa sa bagong technology wing ay kinabibilangan ng mga sumusunod: renovation and Modernization of three Computer Laboratory and four Smart Classrooms equipped with the following: 60 sets all-in-one Computer Units, four Smart Board TV, three flat screen TVs, 200 units of armchairs, computer tables, 14 Units of Glass Writing Boards, two airconditioning units per classroom, seven adjustable teachers tables, aesthetic window blinds, tiles and lights and renovation of restrooms in the third and ground floors, including the all-gender comfort room.

Tags: Mayor Honey Lacuna

You May Also Like

Most Read