IPINAGDIWANG ni Mayor Honey Lacuna ang advanced birthday celebration niya kasama ang halos 300 senior citizens na tulad niya ay May celebrants din. Ang kaarawan ng lady mayor ay sa May0 6.

Ang senior citizens na nasa 284 ang kabuuang bilang ay Labor Day celebrants din o ang kaarawan ay tumama sa Mayo 1, at nagmula sa anim na distrito ng six Maynila.
Sa nasabing pagdiriwang, pinasalamatan ni Lacuna ang lahat ng senior citizens para sa kanilang suporta at inanunsyo na ang payout para sa monthly allowances ng senior citizens na nagkakahalaga ng P2,000 bawat isa ay ibibigay na din ngayong buwan.
“Ito po ang ating maliit na paraan para pasalamatan at ipadama ang pagmamahal sa ating mga magulang, lolo at lola sa city of Manila,” maikling mensahe ni Lacuna.
Sa kabilang banda, ikinalulungkot naman ni Lacuna na may 600 May 1 celebrants sa lungsod subalit ang iba ay hindi nakarating sa mass celebration sa San Andres Complex dahil na rin sa hindi na kaya dahil sa kanilang edad.
Nagpahayag din si Lacuna ng pasasalamat dahil senior na rin aniya siya sa susunod na taon.
“Sa ngayon, sine-celebrate ko na din as 60. Gusto ko ipaaala sa sarili ko na next year, senior citizen na din ako at tropa ko na din kayo. Meron na din akong OSCA card,” pahayag Lacuna.
Matatandaan na noong isang taon ay nagdiwang din siya ng kaarawan kasama ang mga May 6 celebrants.
Ang mga senior citizens ay sinundo at hinatid ng mga bus at binigyan ng mga gamot, cakes at iba pang tokens, bilang birthday gift mula sa alkalde mismo.
Sa kanyang mensahe, sinabi ni Lacuna:”Gusto po lamang natin na mag-enjoy kayo ngayong umaga. I- celebrate ang kaarawan nang may saya at panalangin na biyayaan pa tayo ng magandang kalusugan nang makasama pa natin nang mas matagal ang ating mga pamilya at mahal sa buhay.”
Umabot ng dalawang oras ang selebrasyon ng alkalde sa mga senior citizens, kung saan sila ay nagsayawan, nagkantahan, nagkainan at naglaro ng iba’t-ibang parlor games.














