Buntis, binaril, patay

By: Baby Cuevas

Agad na namatay ang isang 24-anyos na buntis matapos barilin ng nag-iisang gunman habang nakatayo sa isang tindahan, kahapon ng madaling araw sa may Aroma Compound, Tondo, Maynila.

Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktimang si Dyan Ereca Prado, limang buwang buntis at residente sa Building 16 Aroma Compound ,Tondo, Maynila.


Sa imbestigasyon ni PSMS Jansen Rey San Pedro, naganap ang insidente alas- 12 ng madaling araw sa isang sari-sari store sa Bldg 16 Aroma Compound habang nakatayo sa tindahan ang biktima.

Dumating ang suspek at kaagad na binaril ang biktima na tinamaan sa noo at nang matiyak na napuruhan na ang biktima ay mabilis na tumakas ang suspek patungo sa di matiyak na direksiyon.

Sa impormasyong nakuha ng pulisya, nabatid na ang biktima ay sangkot sa bentahan ng iligal na droga.


Tags: Dyan Ereca Prado

You May Also Like