Latest News

ALOK NA PHP 100K PARA SA TIPSTER… PNP NAKI-USAP DIN SA PUBLIKO PARA MAPABILIS ANG JOHNNY WALKER CASE

By: Victor Baldemor Ruiz

BUKOD sa alok na Php 100 libo para sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon para sa kakikilanlan at ikadarakip ng mga salarin na responsable sa paglikida kay radio announcer Juan Jumalon alyas Johnny Walker ng 94.7 Calamba Gold FM ay nakiki-usap din ang Philippine National Police (PNP) sa sinumang may nalalaman sa mga nasa likod ng krimen.

Ayon kay PNP Chief PGen. Benjamin Acorda Jr., tiyak na bibilis ang imbestigasyon ng pulisya at agad na mareresolba ang kaso ng pagpatay sa radio broadcaster kung makikiisa at tutulong ang publiko.

Kaugnay nito at tinitiyak ng pinuno ng Pambansang Pulis na mananatiling confidential ang kanilang pagkakakilanlan at maaari ding bigyan ng seguridad kung kinakailangan.


Inihayag naman ni Undersecretary Paul Gutierrez, Presidential Task Force on Media Security executive director, na may isang concerned citizen ang lumikom ng halagang P100,000 biang pabuya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon sa kakikilanlan ng mga suspek.

Magugunitang pinasok at pinagbabaril ng hindi pa nakikilalang gunman a ng biktima sa loob ng kanyang radio booth at saka ilang ulit na pinagbabaril habang umeere ang kanyang radio program kung kaya Nakita pa sa CCTV kung paano siya pinaputukan at hinablot pa ang kuwintas ng biktima bago tumakas.

Samantala kabilang sa mga angulong tinututukan ng binuong Special Investigation Task Group ang awayan sa trabaho at alitan sa lupa base sa salaysay ni Cherebel Jumalon, asawa ng pinaslang na broadcaster.

Inilahad nito na may dalawang kaso na kinasasangkutan ng kanyang mister bago ito nilikida na kapwa may kaugnayan sa kanyang radio station 94.7 Calamba Gold FM.


Ang unang kaso ay may kaugnayan umano sa Negosyo. “Kumpetensya sa negosyo sa radio station…Hindi nila matanggap na mayroon radio station dito sa Calamba,” ang ginang .

Habang ang ikalawa ay may kaugnayan sa land dispute, kung sino ang nagmamay ari ng lupang kinaroroonan radio station na nasa loob ng Jumalon residence sa Barangay Don Bernardo A. Neri.

“‘Yung sa radio station, sa lot namin nag file kami ng case ng falsification of public documents dun sa [Regional Trial Court-Oroquieta], ‘yung nagfile ‘yung husband ko kasi po ‘yung lupa namin dito ‘yung nakapirma sa deed of sale puro matagal nang namatay,” ani Mrs Jumalon.

Hindi rin naniniwala ang asawa ni Johnny Walker na may nakawa away ito dahil sa trabaho dahil fully entertainment ang flatform ni Jumalon na napag alamang isang PWD na biktima ng polio at hindi nakakalakad ng walang saklay.


“Sa kanyang programa is purely entertainment lang, basa ng greetings ng text messages sa mga kaibigan at public service and endorse ng herbal products. Hindi siya nag ko komentaryo against sa mga tao, talagang plain entertainment lang,” kung saan ay marami itong mga kaibigan.

Tags:

You May Also Like

Most Read