NAGPAHAYAG ng labis na pasasalamat si Manila Mayor Honey Lacuna sa Landbank of the Philippines sa pagpili sa mga kabataang taga-Maynila bilang beneficiary ng gift-giving activity nito.
Ayon kay Lacuna, may kabuuang 500 community children pati na ang kanilang pamilya ang binigyan ng regalo ng nasabing bangko nitong Linggo.
Ang pagtitipon ay dinaluhan ni Manila Department of Social Welfare (MDSW) head Re Fugoso bilang kinatawan ng alkalde, Landbank Executive Vice President Alex Lorayes, Senior Vice President Joselito Vallada Vice President Mira Leah Patio, Manager Mildred Reyes at kinatawan mula sa iba’t-ibang departamento ng Manila City Hall.
Bilang ganti sa pagpapadama ng kanilang ginintuang puso, Isang Plaque of Appreciation ang ibinigay ni Fugoso sa kinatawan ng Landbank.
“Ito ay bilang pasasalamat sa kanilang walang-sawang pagsuporta sa lahat ng mga mga proyektong nakakatulong sa siyudad,” ani Fugoso.
Sa hiwalay na kaganapan, inanunsyo ng Justice Jose Abad Santos General Hospital (JASGH) na naglunsad ito ng video creation contest kaugnay ng kanilang 14th Foundation Celebration sa ilalim ng temang,: “A Celebration towards Magn14icent Years.”
Sinabi ni JASGH Director Dr. Merle Sacdalan na ang pangunahing layunin ng contest ay lumikha ng MTV na magpapakita ng mga ginagawa at serbisyo na inaalok ng ospital, i-up hold ang main vision, mission at quality statement ng JASGH.
Ang announcement ng mananalo ay gagawin sa December 16, 2023 sa mismong Foundation Day Celebration ng nasabing ospital.