SASAKYANG INEESCORT NG “CIDG” NASITA SA 4 NA BARIL

NAKUMPISKAHAN ng apat na baril ang mga lulan ng isang diumano ay ineescortan na sasakyan ng isang nagpakilalang tauhan ng CIDG matapos na masita ang naturang sasakyan dahil walang plaka, ng mga tauhan ng Manila Police District – Station 1 , sa Tondo, Manila, madaling araw nitong Sabado.

Bukod sa kasong Republic Act 10591 na related sa BP 88 , nahaharap sa kasong Usurpation of Authority si Henry Bancud, ng Tower 2 Amaya Skies, Cubao Quezon City , makaraan umanong magpakilalang tauhan ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG).

Habang sina Elmer Barles, 52 at Dexter Villegas, 50 , negosyante , kapwa residente ng Jose Abad Santos St.sa Tondo at isang Benjamin Asuncion, 43 , ng Pilar St., Brgy.199 sa Tondo ay ksinampahan ng asong R.A 10591 o Illegal Possesion of Firearms and Ammunitions.


Base sa ulat ni P/ Lt.Col.Cenon Vargas Jr., Commander ng MPD- Raxabago Police Station 1 , bandang 2:20 ng madaling araw nang masabat ang isang Toyota Innova , habang naka escort si Bacud na lulan ng motorsiklo sa may Urban Decca Homes sa Velasquez St.Tondo.

Sina P/ Cpl.Melvin Melchor at ilan pa nitong kasamahan na pawang naka- assign sa Smokey Police Community Precinct ng Station 1 ang sumita sa mga suspek, makaraan umanong humingi ng police assistance ang isang Raymond Bansei na sekyu sa lugar.

Dito na umanong nagpakilala si Joshua na isang tauhan ng CIDG subali wala umano itong maipakitang ID ng nasabing ahensya.

Habang kinakausap ang nasa loob ng sasakyan , nadiskubre ng mga operatiba ang iba’t -ibang uri ng baril na kargado ng mga bala.


Gayunman , isinailalim sa interogasyon ang apat na suspek kung ano ang lakad ng mga ito. (Carl Angelo)

Tags: P/ Lt.Col.Cenon Vargas Jr

You May Also Like

Most Read