Latest News

22-anyos lalaki, sinumpak sa ulo, patay

Patay ang isang 22- anyos na lalaki matapos na sumpakin sa ulo ng kanyang ka-lugar na nakasagutan,kamakalawa ng madaling araw sa panulukan ng Dagonoy at Nickel Street sa San Andres,Maynila.

Idineklarang dead-on-arrival sa Sta. Ana Hospital ang biktimang si Albert Valdez,ng No. 1850 Nickel St.corner Dagonoy St.San Andres,Maynila dahil sa mga tama ng pellet sa ulo.

Habang tumakas naman ang suspek na si Pio Cingko, 22 anyos din at taga 2375 Oro A,San Andres,Maynila dala ang ginamit na sumpak.


Sa imbestigasyon ni PCpl.Ehrrol Aguila ng Manila Police District-homicide section, naganap ang insidente ala- 1:20 ng madaling araw sa nabanggit na lugar.

Napag-alaman na nagkukuwentuhan ang biktima kasama ang ilang kaibigan nang dumaan ang suspek na may kasamang lalaki.


Binati umano ng biktima ang kasama ng suspek at sa di malaman na dahilan ay nagkasagutan ang biktima at suspek na inawat naman ni Arian Cabaobao at pinayuhan ang suspek na umalis na lamang.

Ilang minuto ang nakalipas ay bumalik ang suspek na armado ng sumpak at patraydor na binaril ang biktima sa ulo at saka mabilis na tumakas.


Kaagad naman isinugod ng kanyang inang si Gloria sa pagamutan ang biktima pero idineklarang dead on arrival. (Philip Reyes)

Tags: Manila Police District-homicide section

You May Also Like

Most Read