Latest News

Vintage bomb, nadiskubre sa Baseco

Umuusok nang madiskubre ang Isang vintage bomb, kamakalawa ng hapon sa may Baseco Shipyard Corp sa Island Baseco, 2nd St, Yard 2 Engeneering, Brgy 649, Port Area, Maynila.

Ayon sa Manila Police District -Station 13, alas 3 ng hapon ay nangongolekta umano ng kalakal si Jan De Nul, Phil. Construction tenant ng Baseco Shipyard Corp., nang mapansin ang usok na nanggagaling sa lupa.

Kaagad namang bineripika ni Nul ang nakita at nang makumpirma na Isa itong unexploded ordnance (UXO) o vintage bomb ay kaagad na ipinagbigay- alam sa security guard na si Rolly Estelloso.


Ipinaalam naman ito ni Estelloso sa MPD-PS13 na siyang tumawag sa MPD-District Explosive and Canine Unit(MPD-DECU).

Dinala sa tanggapan ng DECU Ang vintage bomb para sa disposisyon. (Carl Angelo)

Tags:

You May Also Like

Most Read