Publiko, hinikayat sa banal na gagawin

HINIKAYAT ng Simbahang katolika ang mga mananampalataya na pagtuunan ang banal na gawain partikular na sa araw ng Huwebes at Biyernes Santo.

Ayon kay Ozamis Archbishop Martin Jumoad, dapat na bigyan ng panahon ang Paschal Triduum.


Ito ay ang pagdalo sa mga gawain ngayong semana santa lalo’t binuksan na sa publiko ang mga simbahan makaraan ang dalawang taon bunsod ng pag-iingat sa COVID-19.

“Bilang mga kristiyano kailangan bigyan natin ng panahon na we really reflect and attend the rites/rituals in our particular cathedral or churches; may panahon naman talaga na tayo ay makapunta sa dagat o mamasyal pero huwag sana sa Holy Thursday or Good Friday,”ayon kay Jumoad.

Hindi umano magandang halimbawa bilang katoliko na isantabi ang mga Mahal na Araw lalo na ang paschal triduum o ang pagpapakasakit, pagkamatay at muling pagkabuhay ni Hesus na tanda ng matagumpay na pagtubos sa kasalanan ng sangkatauhan.


Iginiit ni Archbishop Jumoad na ang paschal triduum lalo na ang muling pagkabuhay ni Hesus ang sentro at pundasyon ng pananampalatayang kristiyano.

Kung hindi maiiwasan ang pagbakasyon ngayong semana santa sapat tiyakin makiisa sa mga banal na gawain sa pinakamalapit na simbahan sa mga lugar na pupuntahan. (Jaymel Manuel)


You May Also Like

Most Read