Latest News

RIDER, TUMILAPON MATAPOS SALPUKIN NG VAN, SUGATAN

By: Baby Cuevas

Nagtamo ng sugat ang isang rider nang salpukin ng van at tumilapon habang binabaybay ang panulukan ng Espana Boulevard at Vicente Cruz Street sa Sampaloc, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Napag-alaman kay PMajor Jaime Gonzales, hepe ng Manila District Traffic Enforcement Unit- Vehicle Traffic Section (VTIS-MDTEU) na hindi maigalaw ng biktimang si Noli James Lao Mijares, 34, attendant at residente ng 610 A.H Lacson Avenue Sampaloc, Maynila, ang kanyang mga kamay matapos na i-rescue ng ambulansiya at isugod sa Jose Reyes Memorial Medical Center.

Naganap ang insidente alas 12:30 ng.madaling araw sa nabanggit na lugar at nakita sa CCTV na papatawid ang biktima nang salpukin ng rumaragasang Toyota Hi-Ace Commuter na may plate number na ABF 4355 at minamaneho ni Bryan James Borcena Bebelone, 22 , ng Francisco Homes City, San Jose Del Monte, Bulacan.


Dahil sa impact ay tumilapon ang biktima kasama ng kanyang motorsiklo na Suzuki Hayate na may plate number 2267 RF.

Tags:

You May Also Like

Most Read