Latest News

JOSHUA AT GF, DUMAYO SA TOKYO PARA MANOOD NG COLDPLAY CONCERT

By: Beth Gelena

MAGKASAMANG nanood ng concert ang magdyowang Joshua Garcia at Emilienne Vigier sa concert ng Coldplay sa Tokyo.

As usual, hindi si Joshua ang nag-post ng kanilang photos sa concert kundi ang GF niya ang  nag-post kanyang Instagram account.

Pero bago ang actual concert,  may post na ang actor na solo picture lang niya at nilagyan niya ng caption na “Coldplay in Japan.”


May comment pa nga si Jodi Sta. Maria na “jealous.”

Anyway, eto ang komento ng fans ng actor sa panonood nila ng concert ng non-showbiz girlfriend:

“Mukang head over heels si guy kay girl. Let’s see how this will end.”

Pagtatanggol naman ng isang netizen: “Why is there always a comment like this? Why can’t you just be happy for the couple without thinking about how the relationship will end?”


Pinuri naman ng isa ang pag-organize ng concert.

“Ang linis at in order kahit mapa-concert. Iba talaga mga japanese!”

“Uso pa pala Coldplay”


Tags: Emilienne Vigier, oshua Garcia

You May Also Like

Most Read