Latest News

DIEGO, BARBIE NAGKABALIKAN?

NI BETH GELENA

NAKABALIK na ng Pinas si Diego Loyzaga and a few days ago, pinag-uusapan ang reconciliation nila ng amang Cesar Montano.

At ngayon naman, isang netizen ang nag-post ng photo nila ng ex-girlfriend na si Barbie Imperial na nasa isang restaurant sa Pasig City kung saan may kasama silang isang non-showbiz guy.


Walang nakalagay sa caption kung ano ang ganap sa ex- couple.

Sinabi lang ng netizen na may bagong ini-endorso na slimming center ang aktor.

Ni-repost naman ng isang fan ang nasabing photo at saka nagtanong kung bago raw ba ang kuhang picture ng mag-ex.

Anyway, si Barbie lang naman ang kumudang hiwalay na sila ni Diego though wala naman siyang sinasabing rason kung bakit sila nagkahiwalay.


Walang diretsahang sinabi si Diego na hiwalay na nga sila ng aktres.

Netizens lang ang nag-speculate na kaya siya biglang lumipad last holiday season patungong Tate dahil nga umano ay break na sila.

Pero bago ang hiwalayan daw nina Diego at Barbie, nag-celebrate pa ang mga ito ng kanilang first anniversary.

Kung totoo man na nagkabalikan sina Diego at Barbie, eto na lang ang nasabi ng netizens.


“Maypa comeback! Good for them”

“Diego appears to heal past hurts. First the dad then the recent ex. Nothing wrong as long as it brings him peace and clarity.”

“Why not? If they still love each other, go!”

Say nman ng isang netizen: “Oh oh red flag si guy. He will leave whenever he wants to… dropping you like a hot potato”

Na sinang-ayunan ng ibang nag-comment: “Yup. Parang he’s the type to fall hard fast then fall out of love fast as well.”

May nagsabi namang ginagamit lng ni Diego si Barbie.

“May movie pala kaya Todo papansin user talaga tong guy”

Kung anuman ang totoong kwento sa pagkikita ng ex-couple, tanging sila lang ang makapagsasabi kung nagkabalikan nga sila o pure business lang.

Baka naman kasi pareho silang endorser ng slimming center, ano sa palagay nyo mga Marites?

Tags: ,

You May Also Like

Most Read