Ni Beth Gelena
NAG-REACT si Sharon Cuneta sa paggamit ng kanta niyang “Sana’y Wala Nang Wakas” dahil kinanta ito ng isang tatakbong senador sa 2022 sa mismong campaign rally.
Sumagot naman si Sal Panelo dahil siya pala ang tinutukoy na aspiring senator.
Humingi ng sorry si Panelo at sinabing Paborito raw kasi niya ang SWNW.
“I’m sorry she feels that way. It’s one of my favorite songs because it reminds me of the great lengths I took for my late son, Carlo who had Down Syndrome. I honor him each time I sing the song,” sabi ni Panelo.
Nagpaalam naman daw siya sa.copyright owner — ang Viva Records — at binigyan naman daw siya ng permiso to sing the song.
Komento tuloy ng mga netizens sa reklamo ng Megastar.
“Yun naman pala eh. Si Viva ka magreklamo Tita Shawie????”
“Leni ako but this sharon is so entitled! she is both an asset and also a liability to her husband’s campaign. feeling kandidata din kung umasta.”
“Ni hindi na nga nya makanta nang LIVE at matino yong kanta nya!! Pasalamat sya may kumakanta pa ng kanta nya????”
“Hi Ms.Shawie..be grateful na lang nkanta pa yung song mong nsa baul na po..”
“Gusto ko yung platform ni Sal Panelo para sa mga batang may special needs kase wala talaga tayong dedicated department for these children. Lalo na pag naunang pumanaw ang magulang at naiwan yung special needs child, walang sinong gustong umako ng responsibilidad. As an orphan, I support Sal Panelo. Mahirap na ngang maging orphan, mas mahirap pang maging orphaned child with special needs.”
“I watched some of his video, they dearly loved their son.”
“Sharon is destroying his husband’s image more lol Partida hindi pa yan nakaupo sa pwesto pero ganyan na magingay que horror! d porke kinanta ng kalaban eh maassociate ka na dun! para kang bff aiai mo lol”
“kung dati nanalo at nakilala c Kiko bcoz of Sharon nowadays Sharon is a disaster to Kiko’s political career. Nakilala ang totoong ugali nya dahil sa socmed.”
Ayan dahil sa reklamo ni Sharon sa pagkanta ni Panelo ng SWNW, now ko lang nalaman na tumatakbo palang senador ang dating presidential Spokesman ni Tatay Digong.
Eto pa ang pahabol na komento: “Parang sumobra na ang taas ng tingin sa sarili ni shawie. I will vote for leni pero nainis din ako sa mga tweets ni sharon about panelo. Sinu ba sya sa tingin nya? Naawa tuloy ako kay panelo. Parang gusto ko tuloy syang iboto.”