PINATAWAN ng tatlong buwang suspension at multang P60,000 ang isang assistant coach na nandura sa isang player habang naglalaro sa MPBL noong Lunes.
Huli sa akto si San Juan Knights coach Yong Garcia nang duraan niya ang kalabang player na si Lord Casajeros, ng Valenzuela City-MJAS Zenith, habang nasa kalagitnaan ng second quarter ng kanilang laban.
Ayon sa pahayag ng MPBL noong Martes ng gabi, pinatawan na nila ng suspensyon si Garcia dahil ang ginawa nito ay nakasisira sa imahe ng liga at posibleng pinahamak pa ang kalusugan ni Casajeros.
Ayon kay MPBL commissioner Kenneth Duremdes: “(The) MPBL condemns any and all unsportsmanlike conduct, especially deliberate acts of violence.”
“There’s no place for such an act in this league and a similar offense would be dealt with even more severely,” dagdag pa ni Duremdes.
Batay sa guidelines ng liga, dapat magpa-RT-PCR test si Garcia sa loob ng 48 hours pagkatapos ng insidente.
Ayon sa MPBL, kung hindi papayag magpa-test si Garcia at may hindi magandang mangyari kalaunan, asahan pa umano na madaragdagan ang ipapapataw na parusa sa kanya.
Nagbigay din ng direktiba ang MPBL na sumailalim sa anger management counselling si Garcia.
Humingi na ng dispensa si Garcia kay Casajeros ay kanyang ginawa.
“This sport saved my life. It gave me an opportunity to have something so much better than what I used to have and deserve. And because of this, it has been my life mission to make this opportunity available to more players.
“Sadly, my actions last night did not in any way reflect my personal mission nor reciprocate what basketball has given me, a second chance in life,” pahayag ni Garcia.