ANG dating player ng University of the Philippines (UP) Fighting Maroons na si Ricci Rivero ay nakatakdang maglaro sa Taiwan.
Si Rivero ay unang Asian na maglalaro bilang world import sa Taoyuan Pilots ng P.League+ sa Taiwan.
Si Rivero ay pumirma para sa maglaro sa koponan para sa 2022-2023 season ng liga.
Ayon kay Rivero, napili siya ng Taoyuan dahil may tiwala ito sa kanya at talagang hinintay na matapos ang paglalaro noiya sa Fighting Maroons sa men’s basketball ng UAAP Season 84.
“Binigyan ko po ng importansya ‘yung pinakita nilang halaga at tiwala sa puwede kong maitulong sa team.
“Hindi po sila bumitaw at matiyagang naghintay.
“Being the first Asian to play as World Import in the P.League was also a huge factor.
“I want to embrace this kind of challenge as my professional career begins,” paliwanag pa ng batang manlalaro.
Naglaro naman para sa Hiroshima sa Japan B.League ang dating teammate niya sa La Salle na si Justin Baltazar.
Sa kanyang UAAP career, nakuha ni Rivero ang unang kampeonato sa La Salle noong 2016 at UP kamakailan lamang.