Latest News

PUTIN SINUSPINDE BILANG HONORARY PRESIDENT NG INTERNATIONAL JUDO FEDERATION

SINUSPINDE si Russian president Vladimir Putin ng bilang honorary president ng International Judo Federation (IJF) kaugnay sa pagsakop ng Russia sa Ukraine, ayon sa pahayag ng sport governing body.

Ang giyera sa Ukraine na nagsimula noong pumasok ang mga tropa ng Russia gabi ng Pebrero 24, nagpatupad naman ang West nations ng sanctions para maparalisa ang banking sector ng Russia.


“In light of the ongoing war in Ukraine, the International Judo Federation announces the suspension of Mr. Vladimir Putin’s status as Honorary President and Ambassador of the International Judo Federation,” ayon sa inilabas na pahayag ng IJF.

Si Putin ay isang “accomplished judoka” at ginawaran ng ikawalong “dan” noong 2014 — isa sa pinakamataas na lebel sa naturang sport — at naging honorary president simula noong 2008.

Noong 2014, sinabi ni IJF president Marius Vizer na si Putin ay “ perfect ambassador” ng sport na ito.


Isa ang judo sa paboritong sport ni Putin para mapanatiling malusog at natikas judo, gayundin ang ice hockey.

Ang suspensyon ni Putin bilang hinorraray president ng IJF ay isa lamang sa maraming “sporting punishments” sa Russia bunsod ng isinagawa nitong paglusob sa Ukraine.


Ang European football governing body na UEFA ay inalis naman sa Saint Petersburg ang pag-host sa darating na May 28 ng Champions League final — isa sa pinakaprestihiyosong kumpetisyon — at ang pagkansela ng Formula One ng Russian Grand Prix na nakatakda sa Setyembre 25.

Nagpahayag din ang Poland at Sweden na hindi makikipagtunggali sa Russia sa 2022 World Cup play-offs.


Hinihikayat din ng gobyerno ng Sweden ang kanilang 27 European Union partners na magpatupad ng nagkakaisang sporting ban laban sa Russia, kasama na dito ang pagbabawal sa Russian athletes na lumahok sa sports competition na gaganapin sa European Union. (SST)

Tags: Russian president Vladimir Putin

You May Also Like