NAGBUNYI ang buong bansa matapos natalo noong Linggo, Enero 30, ng Pinay football team and Chinese Taipei sa score na 1-1 (4-3 on penalties) sa 2022 AFC Women’s Asian Cup quarterfinals na idinaos sa Shree Shiv Chhatrapati Sports Complex sa Pune, India.
Bukod sa pag-usad ng Pinay team sa semifinals, isa rin ang Pilipinas sa apat na Asian squads na may sigurado nang slot para sa gaganapin na pinakamalaking international football tournament na World Cup, kasama ang mga bansang nanalo sa quarterfinals na China, South Korea, at ang defending AFC Women’s Asian Cup champions na Japan.
Ayon kay Philippine women’s football team head coach Alen Stajcic, ang pagkapanalo ng Pilipinas ay isang “unbelievable achievement.”
“It’s a moment of history for the country. We’re very proud that we may have inspired the next generation,” pagmamalaki ni Stajcic.
Sa isinagawang penalty shootout, lamang na ang Chinese Taipei sa score na 3-2 matapos hindi maipasok ang bola ng Philippine team captain na si Tahnai Annis, Jessica Miclat ay co-captain na Hali Long.
Samantala, tatlong Taiwanese players ang hindi rin naipasok ang bola matapos na Pinay goalkeeper na si Olivia McDaniel at striker na si Sarina Bolden ay maipasok ang penalties na naging sapat para mapasama ang Team PH sa Women’s World Cup.
Ayon kay goalkeeper McDaniel, na siya ring itinanghal na Player of the Match: “It’s make or break right now. You need to show up for the team.”
Ang Pilpilas at Chinese Taipei ay parehong walang score sa first half ng laro.
Bagaman ilang beses na muntikan nang makagoal ang Pinay players, hjindi sila umubra.
Hindi rin naman nagpahuli sa bilis at liksi ang Chinese Taipei squad.
Apat na minuto sa second half ng maka-score si midfielder Quinley Quezada ng kinakailangang goal para sa Piliipinas mula sa assist ng Filipino-French defender Katrina Guillou mula sa box.
Hudyat ng naipasok ng goal ng Pilpinas ang ibayong pagiging agresibo ng Chinese Taipei sa pag-atake dahilan upang muntikan ng maipasok ni midfielder Wang Hsiang-Huei ang bola.
Sa ika-83 minuto sa second half nang maipasok ni Taiwanese midfielder Zhuo Li-Ping ang isang long ball sa taas ng box, dahilan para magtie ang dalawangn koponan at extra time.
Walang nakapagpasok ng goal sa extra time kaya isinagawa ang penalty shots kung saan lumamang ang Pilipinas.
Kinalaban ng Team PH ang South Korea para sa kanilang kauna-unahang AFC Women’s Asian Cup semifinals stint noong Pebrero 3.