INIHAYAG ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na bukas sila na makasama si pole vaulter EJ Obiena sa listahan ng mga taletang lalahok sa Vietnam SEA Games sa darating na Mayo.
Ayon kay Athletics president Philip Ella “”Popoy” Juico noong Martes na si Obiena na hindi kasama sa national training pool dahilan na rin na namamagitang hindi pagkakaunawaan ng atleta ng ng NSA.
Subalit iginiit ni Juico na ang paglahok ni Obiena sa darating na biennial meet ay maaaring pag-usapan ng mga opisyales ng PATAFA.
“Well, EJ Obiena is not in the national training pool list so we have to discuss that amongst ourselves from the PATAFA board as for the new list that we have submitted to the Philippine Sports Commission,” pahayag ni Juico sa Philippine Sportswriting Forum (PSA) Forum.
“He’s not in the list right now as we have announced on January 28 and we will have to look at his case if he wants to participate,” dagdag pa ni Juico.
Noong Enero, sinabi ng PATAFA na mismong si Obiena ang nagdesisyong unalis mula sa kanilang pamamahala dulot ng alegasyong “misuse of funds” na para sa coach ni Obiena.
Subait hindi isinasara ng PATAFA ang kanilang pintuan para kay Obiena.
Ang 26-gulang na pole ay ang reigning gold medalist sa SEA Games nung siya ang matagumpay na lumahok noong 2019 matapos ma-clear ang 5.45 metrong taas.
“He said he will ask for help from others … other people said they will work for his participation, so let’s see what works,” ayon pa kay Juico.
Ayon sa ulat, ang orgnizers ng Vietnam SEA Games ay tatanggap lamang ng listahan ng mga atleta hanggang March 12.
Ang SEA Games opening ceremony ay na, meanwhile, is slated for May 12 in Hanoi.