Latest News

My last year in NBA will be played with my son — LeBron

HINDI isinasara ni LeBron James ang pinto sa muling paglalaro ng basketball sa ilalim ng Cleveland Cavaliers.

Subalit mariin ang kanyang pasya na ang kanyang magiging last season sa NBA ay kapag makasama na niyang maglaro anak na si Bronny James.

Si Bronny James ay may tangkad na 6”3 at naglalaro bilang point guard sa high school basketball team ng Sierra Canyon School sa California.


Sa 2024, eligible na para mai-draft si Bronny sa NBA, habang ang kanyang amang si James ay 39 na ang edad sa taong iyon.

“The door’s not closed on that. I don’t know what my future holds.

“I’m not saying I’m coming back and playing, I don’t know. I don’t even know when I’m free,” sagot ni LeBron sa tanong sa isang interview kung babalik pa ba siya para maglaro sa Cavaliers.

Balik-Cleveland si LeBron James para sa All-Star Game at ito ang kanyang ika-18 appearance.


Si LeBron ay may $85-million contract sa Los Angeles Lakers at nasa unang taon pa lamang ng kanyang two-year contract.

Dahil sa kontratang ito, hindi pa puwedeng mag-free agent si Lebron hanggang 2023 -2024 season ng PBA, na magsisilbing ika-21 season ng kanyang NBA career.

Naging vocal naman si James kapag tinatanong ang stand ng Lakers ngayong season ng NBA.

Sa All-Star Game media presscon, sinabi ni James na ang kampanya ng Lakers ay maituturing na “a hell-storm of a season.”


Dahil nasa ika-siyam na posisyon sa Western Conference, ang Lakers ay mayroong 27-31 record.

Mula sa Akron, Ohio, naglaro si James ng kanyang unang pitong season sa Cavaliers bago siya lumipat sa Miami Heat at saka bumalik para muling maglaro sa Cleveland nang apat pang taon.

Sa kasalukuyan, si James ay nasa kanyang 19th season sa NBA.

Naglaro siya ng dalawang magkaibang stint sa Cavaliers — mula 2003-2010 at 2014-2018.

Nakamit ng 37-taong-gulang na si Lebron ang kanyang ikatlong NBA championship sa Cavaliers noong 2016 na ang nakalaban nila ay ang Golden State Warriors.

Ayon kay James: “My last year will be played with my son. Wherever Bronny is at, that’s where I’ll be. I would do whatever it took to play with my son for one year. It’s not about the money at that point.”

Tags:

You May Also Like

Most Read