Morocco pinadapa ang Portugal para makasama sa semifinals ng World Cup

GUMAWA ng kasaysayan ang Morocco sa pagiging unang bansang Aprikano na umabot sa semifinals ng World Cup matapos talunin ang Portugal sa puntos 1-0.

Ang bawat isa sa naunang tatlong panig ng Africa na umabot sa quarterfinal ay natanggal na lahat sa yugtong ito — Cameroon noong 1990, Senegal noong 2002 at Ghana noong 2010.


Ito ay isang malakas na simula para sa Morocco, na umiskor bago ang kalahating oras nang talunin ni Youssef En-Nesyri ang Portuges na goal keeper.

Luhaan si Ronaldo matapos ang gulat na pagkatalo ng Portugal sa World Cup.

Ang star striker na si Cristiano Ronaldo, na nagsimula ng laro sa bench, ay dinala sa unang bahagi ng second half habang ang Portugal ay naghanap ng equalizer.


Ngunit sa kabila ng patuloy na pressure para sa malaking bahagi ng second half, ang Atlas Lions ay nanindigan at nagkaroon ng pagkakataon sa injury time na makaiskor.

Ang Morocco forward na si Walid Cheddira ay binigyan ng dalawang yellow cards sa loob lamang ng ilang segundo, kaya nanood na lamang siya sa sa huling ,inuto ng lato.


Tags: World Cup

You May Also Like

Most Read