Latest News

Michael Jordan nag-donate ng $10M sa Make-A-Wish para sa 60th birthday

ANG basketball Hall of Famer na si Michael Jordan ay gumagawa ng record-breaking na $10 million donation sa Make-A-Wish America para sa kanyang ika-60 kaarawan,

Ayon sa Make-A-Wish foundation, ang regalo ni Jordan ang pinakamalaking ibinigay ng isang indibidwal sa 43-taong kasaysayan ng organisasyon.

Si Jordan, who turned 60 last Friday, ay umaasa na ang kanyang donasyon ay magbibigay inspirasyon sa iba na suportahan ang Make-A-Wish.


“For the past 34 years, it’s been an honor to partner with Make-A-Wish and help bring a smile and happiness to so many kids.

“Witnessing their strength and resilience during such a tough time in their lives has truly been an inspiration. I can’t think of a better birthday gift than seeing others join me in supporting Make-A-Wish so that every child can experience the magic of having their wish come true,” pahayag ni Jordan.

Ang unang hiling na ipinagkaloob ni Jordan ay nangyari noong 1989.

Siya ay nagbigay ng “daan-daang kahilingan sa mga bata sa buong mundo,” ayon sa organisasyon.


Si Jordan ay hinirang Make-A-Wish ambassador noong 2008 para sa “life-changing impact on wish kids and their families.”

“Michael using his birthday as a chance to make history for Make-A-Wish speaks to the quality of his character and his loyal dedication to making life better for children with critical illnesses,” ayon kay Leslie Motter, president at CEO of Make-A-Wish America. “We hope that the public will be inspired to follow in his footsteps by helping make wishes come true.”

Naglaro si Jordan ng 15 season sa NBA, nanalo ng limang MVP awards at nagtamo ng anim na titulo bago nagretiro sa huling pagkakataon noong 2003.

Ilan sa iniendorsong kilalang brands ni Jordan ay ang Nike, Hanes, Gatorade at Upper Deck, at iba pa, at nag-donate ng milyun-milyon sa iba pang charitable causes sa mga nakaraang taon.


Tags:

You May Also Like

Most Read

Menu