Latest News

MATAPOS MAMAGITAN ANG PSC… PATAFA PUMAYAG ISAMA SI EJ OBIENA SA SEA GAMES

SA huli ay nagkasundo rin ang Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) at world-ranked pole vaulter na si Ernest John “EJ” Obiena matapos pangunahan ni Philippine Sports Commission (PSC) chairperson Butch Ramirez ang mediation sa pagitan ng dalawang kampo.

“It is with much joy that we announce that both parties have agreed to a settlement and the proceedings ended successfully,” pahayag ng PSC.

“PSC Chairman William Ramirez who served as the sole mediator in the proceedings expressed his happiness that the first-ever sports mediation conducted by the PSC successfully assisted both parties to arrive at a settlement,” dagdag n apahayag ng PSC.


Sa ilalim ng kasunduan, pumayag ang PATAFA na iendorso si Obiena na maglaro para sa Southeast Asian Games and the World Outdoor Athletics.

Matatandaang iniurong ng board ng Philippine Olympic Committee (POC) ang desisyon na patawan ng 90-day suspension ang PATAFA sa idinaos na general assembly (GA) sa Knight Templar Hotel sa Tagaytay.

Gayunman, nag-warning ang POC sa PATAFA na ihahayag nila ang kanilang pinal na desisyon sa general aseembly sa susunod na buwan.

Sa naturang kasunduan, maaaring hindi na ituloy ng POC ang suspensyon sa PATAFA.


“Both parties have also agreed that endorsement for the participation of Mr. Obiena in other competitions will be subject to the usual rules and regulations of the PATAFA, as observed for the participation of all national athletes,” ayon pa sa PSC.

Inihayag din ng PSC na sina Ramirez, Obiena at PATAFA president Popoy Juico ay nag-meeting matapos ang mediation session.

“Mr. Obiena expressed his apologies to PATAFA, its board members, and his teammates, and both have assured each other of forgiveness, to start anew and move on,” ani PSC ukol sa ilang detalyeng nagpag-usapan sa pribadong pagpupulong.

“Humility really played a big part in this process,” ayon kay Ramirez.


Idinagdag pa ng PSC na iaanunsyo nila ang iba pang detalye sa pagkakasundo ng PATAFA at Obiena.

Tags: ,

You May Also Like

Most Read