Latest News

MANNY PACQUIAO IS A VERY AMAZING FILIPINO — Italian coach Pozzecco

MATATANDAANG bago pa magsimula ang  FIBA 2023 World Cup sa Pilipinas, nagpahayag na ang  Italy coach na si Gianmarco Pozzecco sa media na gusto niyang makilala ang PInoy boxing icon at  eight-division champion na si Manny Pacquiao.
“I want to meet Manny Pacquiao, he’s my idol,” excited na sinabi sa media ni Pozzecco noong August 23 ng dumating ito sa Pilipinas.
Noon pa man umano ay sobrang fan na si Pozzecco  ni Pacquiao.
Naikuwento pa nitong sa kagustuhan niyang mapanood noon ang laban ni Pacman kay  Floyd Mayweather Jr.,  pilit niyang kinumbinse ang isang TV netwrork na  ipadala siya bilang rreporter. Inulit niya ang request na makita si Pacquiao noong opening ng  FIBA World Cup.
Aniya: “I want to meet Manny Pacquiao. Organize this kind of match please. Thank you.”
Matapos naman ang  matagumpay na opening win ng Italian team, muli ay nasabi niyang: “Where is Pacquiao?”
At noong Huwebes ng gabi, nangyari na nga  kanilang pagkikita sa bahay mismo ni  Pacquiao.
Naglaro sila ng chess at binigyan ni Manny ang Italian coach ng kanyang sariling Azzurri jersey.
“Just because I said it a couple of times, he invited me to his house. I know you people from the Philippines are amazing. I swear to God you are amazing people. This is something in our country is not possible to happen,” ani Pozzecco  na hindi akalain na tototohanin ng boxing champ ang pakikipagkita sa kanya dahil nagbibiro lamang siya.
“That one huge legend in the history of sports invites an idiot as myself to his house, just because I said something. And he’s such a nice person,” emosyonal na pahayag ni  Coach Pozzecco.
At dahil nakapasok ang Italy sa second round ng FIBA World Cup matapos talunin ang  Serbia, aniya:   “I dedicate this victory to Pacquiao.”
“He has to be proud of you, because I will never forget it in my life.  I love him, and I love him even more,” nakangiting pahayag ng Italian coach.
Lalo umanong nadagdagan ang paghanga ni Pozzecco  kay Pacquiao —  the man, the myth, the legend — at isa umano itong  napaka-amazing na Pilipino.
Tags: Manny Pacquiao

You May Also Like

Most Read