Latest News

Kiefer Ravena sinuspinde, pinagmulta ng B.League

PINATAWAN ng isang larong suspensiyon ang Pinoy import na si Kiefer Ravena kaya hindi ito nagkapaglaro noong Miyerkules sa laban ng Shiga Lakestars kontra Osaka Evessa.

Bukod sa isang latong suspensiyon, pinatawan din si Ravena ng multang 50,000 yen matapos ng daawang na “unsportsmanlike fouls” sa nakalipas niyang paglalaro.

Tinawagan si Ravena ng “unsportsmanlike foul” habang naglalaro sa unang quarter kontra sa koponang Toshikazu Kato habang ang ikalawang “unsportsmanlike foul” ay nangyari limang minuto bago matapos ang kanilang laro sa koponang Yoshiaki Kubota.


Ang dating Ateneo de Manila University star player ay lumabas ng court matapos makapagtala ng pitong puntos at isang assist sa 31 minuto ng paglalaro.

Natalo ang Lakestars sa score na 79-57.

Humingi naman ng paumanhin si Ravena sa kanyang Twitter account at sinabing tiwala siyang maipapanalo ng kanyang team ang laro kahit pansamantalang hindi siya makakasama.

Nakapaglaro si Ravena ng 37 games para sa Shiga sa 2021-22 season of the B.League.


Siya may average na 12.8 points, 5.9 assists, 2.1 rebounds, at 1.5 steals sa 26.6 minutes kada laro.

Nakapagtala si Ravena para sa B.League ng career-high na 28 puntos at walong assists sa 89-81 laban sa Osaka noong Disyembre.

Tags:

You May Also Like

Most Read