Latest News

Gulo sa football nagdagdag ng drama sa SEA Games

PHNON PENH, Cambodia — Natapos ang halos dalawang linggong tagumpay,  luha  at paminsan-minsang pag-aalburuto noong Miyerkules sa pagtatapos ng unang SEA Games sa Cambodia kung saan nanguna ang Vietnam sa pinakamaraming nahakot  na gintong medalya.
Ang ginto  sa women’s football  ay nagtapos sa isang makinang na laro para sa Vietnamese, na nanguna na medals table na sinundan ng Thailand at Indonesia.
Ang Cambodia ay pang-apat sa puwesto — ang unang pagkakataon sa apat na edisyon ng biennial Games na ang mga host ay hindi napunta sa tuktok ng medal pile — subalit ang kanilang 81 ginto ay maituturing na  isang malaking tagumpay kumpara sa nakalipas na mga taon.
Nagwakas ang sporting action sa Phnom Penh noong Martes nang talunin ng Indonesia ang Thailand sa men’s football final na nagtatampok ng pitong goal, na naipanalo ng Indonesia sa puntos na  5-2, apat na red card at dalawang kaguluhan.
Matapos magbukas ang SEAG  noong Mayo 5, inangkin ng Cambodia ang kanilang kauna-unahang ginto sa athletics, kung saan nanalo si Chhun Bunthorn sa men’s 800m at mga nakakaganyak na eksena sa finish line habang nag-toast siya sa kanyang yumaong mga magulang.
“Napaka-emosyonal ko,” ani Chhun Bunthorn.  “Namatay ang mga magulang ko at sobrang nami-miss ko sila. Kung naririto pa sila, tuwang-tuwa sila sa aking tagumpay.”
Nagkaroon ng higit na emosyon sa track nang maiyak si Bou Samnang matapos tumawid sa finish line sa women’s 5,000m  na mag-isa at halos anim na minuto pagkatapos ng race winner.
Nag-viral ang mga video ng kanyang pag-iyak na basang-basa ng ulan at iba pang events ng Palaro.
Sa Asian Games sa China na nagsimula noong Setyembre at sa Paris Olympics noong 2024, ang  Southeast Asia’s world-class athletes  ay nagtagumpay sa ilang mahahalagang laro.
Ang Philippine gymnast na si Carlos Yulo ay nakakuha ng dalawang ginto at dalawang silver, habang si Ernest John Obiena ay nanalo sa pole vault para sa third Games running.
Gayunpaman, ang mga kontrobersyal na ruling na ipinataw ng  host ay naglimita sa bilang ng events tulad nang  apela ni gymnast  Yulo, na nanalo ng dagdag na limang ginto at dalawang silver sa mga huling laro.
Apat sa 136 golds ng Vietnam ang napanalunan ng star ng athletics track na si Nguyen Thi Oanh, na nanguna sa women’s 1,500m, 5,000m, 10,000m at 3,000m steeplechase.
Ang 2-0 na panalo laban sa Myanmar sa women’s football final ay nagbigay sa kanila ng ikaapat na sunod na titulo, at nakakolekta sila ng siyam na ginto sa gymnastics.
Mahusay din ang naging performance ng Vietnam sa combat sports, kabilang ang tradisyonal na martial art ng kun boktor ng host.
Pinakamahusay ang Thailand sa pangkalahatan sa athletics, lalo na si sprint king Soraoat Dapbang, na nanalo sa men’s 100m at 200m.
Habang ang pag-asa ng medalya ng kaharian ay naudlot dahil sa pagboykot nito sa kun khmer  — tumututol sa paggamit ng pangalang iyon para sa isang isport na mas kilala bilang muay thai  — nanalo ito ng siyam na ginto sa boksing.
Ang kontrobersyal na paggamit ng pangalang Cambodian para sa “sining ng walong paa” ay isang patunay kung paanong ang mga panuntunan ng SEA Games ay may posibilidad na maging pabor sa sariling bansa.
Ang Pilipinas ay ikalima sa medal standing  subalit na-reclaim ang ginto sa men’s basketball — ang isport ay tinatangkilik ang mga Pilipino  at isa sa mga pinakaaasam na titulo sa Palaro.
Pang-anim naman ang  Singapore, sa pangunguna ng kanilang all-conquering swimmers at sprinter na si Shanti Pereira, na nakakumpleto ng makasaysayang double sa women’s 100m at 200m.
Tags:

You May Also Like

Most Read