Nakabalik ang Gilas Pilipinas sa Lebanon sa pamamagitan ng 107-96 panalo sa ikaanim na window ng FIBA World Cup Qualifiers noong Biyernes ng gabi sa Philippine Arena, Bulacan.
Sa pagdalo ng FIBA World Cup global ambassador na si Carmelo Anthony, ang Gilas — sa kabila ng paglalaro ng maliit na bola na tanging si June Mar Fajardo lamang ang lehitimong sentro nito — ay gumawa ng kabuuan 17 triple shots.
At sa huling bahagi first quarter ay nagawa pang magkapag-shoot si Fajardo ng isang pang triple.
Pinangunahan ni Justin Brownlee ang Gilas na may 17 puntos, apat na rebound, limang assist at dalawang steals, habang si Jamie Malonzo ay nagdagdag ng 15 puntos sa 6-of-9 shooting, limang rebound, tatlong assist, isang steal at dalawang block. Si Mason Amos gumawa rin ng kahanga-hangang Gilas debut, na nakapagpuntos ng limang field-goal para sa kabuuang 13 puntos at dalawang rebounds.
Pinangunahan ni Amir Saoud ang Lebanon na may 27 puntos, tatlong rebound, dalawang assist at isang steal, habang nagdagdag si Hayk Gyokchyan ng 21 puntos, apat na rebound, at isang assist.